Marikina City Government, pinawi ang pangamba ng publiko sa epekto ng Bagyong Ambo

Pinawi ng Marikina City Government ang pangamba ng mga Marikeño na posibleng bumaha sa tuluy-tuloy na pag-ulan dulot ng Bagyong Ambo dahil walang dapat pang ikabahala ang mga residente ng lungsod ng Marikina kaugnay ng epekto ng Bagyong Ambo.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, bagama’t tuluy-tuloy ang pagbuhos ng ulan at hangin, walang dapat pang ikabahala ang mga residente dahil nasa 11 meters pa at napakalayo pa ito sa critical level ang tubig ng Marikina River.

Paliwanag ni Teodoro, patuloy nilang binabantayan ang galaw ng Bagyong Ambo, kung saan ay nakahanda naman ang kanilang rescue team at mga kagamitan sakaling kailanganin ang kanilang tulong.


Dagdag pa ng alkalde, patuloy nilang mino-monitor ang level ng tubig sa Marikina River at ang mga barangay sa tabi nito ay nakabantay sakaling tumataas ang level ng tubig ng Marikina.

Facebook Comments