Pabor ang pamunuan ng Marikina City Government sa ginagawang paglilinis ng DILG sa listahan ng mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro walang masama sa naging hakbang na DILG sa pagsuporta sa DSWD na mag-facilitate ang dapat ay maging trabaho ng isang LGU sa proyektong ito na isang aktibidad na Non Partisan.
Matatandaan na nagkaroon ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng DILG at DSWD para sa listahan ng 3 o National Household Targeting System for Poverty Reduction o NHTS-PR.
Layunin ng listahan ng 3 na tiyaking ang tunay na mahihirap sa bansa ang makikinabang sa lahat ng tulong na mula sa DSWD.
Paliwanag ng alkalde, masusi nilang binubusisi ang mga listahan ng 4P’s para makatiyak na mga tunay nga mahihirap ang makikinabang.