Pinaalalahanan ng pamunuan ng Marikina City Government ang lahat ng empleyado ng lungsod na maging maingat at panatilihing malinis ang katawan upang maiwasan ang pagkalat ng 2019 Novel Coronavirus.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro kinakailangan ang mga empleyado mismo ang gumawa ng mga paraan upang maprotektahan nila at hindi makumpromiso ang kanilang kalusugan ngayong nakapasok na sa bansa ang Corona virus at isa na ang nasawi.
Paliwanag ng alkalde hindi lamang mga empleyado ng Marikina City Government ang dapat na doble ingat maging ang bumiyahe sa ibang bansa lalo na papuntang Japan at Korea.
Dapat din aniya tiyakin ng lahat ng mga empleyado at mga residente ng lungsod na lahat ng kanilang kinakaing pagkain ay naaayon sa hygienic standards at naluto ng husto lalo na ang mga karne at isda.
Hinimok din nito ang mga empleyado na sakaling nakumpirma na may n-CoV cases na umuwi mula sa ibang bansa,partikualr sa bansang China na magpasailalim sa self-quarantine sa loob ng 10 araw upang hindi na makahawa pa sa ibang empleyado.