Marikina City Gov’t., tiniyak na ang itatayong Testing Center ay ligtas at sumusunod ng biohazard measures

Tiniyak ng pamunuan ng Marikina City Government ang kaligtasan ng kanyang mga nasasakupan at ipapatupad ang mahigpit na implementasyon at protocol ng biohazard measures.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, nakakatakot ang mga nangyayari sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng COVID-19, dahil sa bawat araw na dumadaan na walang Testing Center, marami umanong mga Marikeño na nasa mahirap na kalagayan.

Matatandaan na nauna ng naglagay ang Marikina City Government ng sariling Testing Center kung saan ginamit ang ika-anim na Palapag ng City Health Office Building pero hindi ito inaprubahan ng DOH dahil lumabag ito sa pamantayan ng Space at Biosafety, kaya sinikap ng alkalde na magtayo pa ng Testing Center upang matukoy agad ang mga nagpositibo sa COVID-19 at mapangalagaan ang naturang Testing Center.


Inaasahan naman na magtatapos sa loob ng dalawang linggo ang bagong gusali para pagtatayuan ng COVID-19 Testing Center.

Facebook Comments