Marikina City Mayor Marcy Teodoro, ipinakita sa media ang bagong lugar ng Marikina COVID-19 Testing Center

50

Nanindigan si Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na ang dalawang palapag na gusali ay magiging bagong Marikina City Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 Testing Center.

Ayon kay Mayor Marcy, ang naturang gusali ay hindi populated pero accessible sa lahat dahil matatagpuan ito sa Main Avenue sa Baya-Bayanan Avenue Barangay Concepcion Uno, Marikina City na may lawak na 160 square meters testing center.


Matatandaan na kamakailan ay hindi inaprubahan ng Department of Health o DOH ang Marikina COVID-19 Testing Center na dapat ay hiwalay ang gusali para pasilidad na mag-o-operate.

Giit ni Mayor Teodoro, ligtas ang kanyang mga nasasakupan sa naturang testing center dahil sa mayroon umano itong risk assessment template na sinunod na highest standard at mahigpit na sinusunod ang protocol ng biohazard measures ang pinapa-implement nila sa Marikina City.

Facebook Comments