Marikina LGU, handa na kung sakaling tumaas ng lebel ang tubig sa Marikina River

Tiniyak ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na handa ang kanyang rescue team kung sakaling tumaas ang level ng tubig sa Marikina River na dulot ng malakas na pag-ulan ng dahil sa Bagyong Ambo.

Ayon kay Mayor Teodoro, nakahanda na rin ang kanilang evacuation center sa pangunguna ng kanyang Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).

Kaya lang aniya sa ngayon ay may pagbabago sa kanilang mga evacuation center dahil sa ipinatutupad na social distancing.


Kung dati aniya nasa limampung (50) modular tents sa isang evacuation center, ngayon gagawin na lang itong dalawampu (20).

Pakiusap naman niya sa mga nakatira malapit sa Marikina River na maging alerto at mag-monitor sa ulat panahon upang maging handa.

Batay sa forecast ng PAGASA, signal number 2 na ang Metro Manila matapos mag-landfall ang Bagyong Ambo kung saan magdudulot din ito ng malakas na pag-ulan.

Facebook Comments