Marikina LGU, nag-anunsyo na rin ng postponement ng pagbubukas ng klase

Nag-anunsyo na rin si Marikina Mayor Marcy Teodoro na ipagpapaliban nila ang pagbubukas ng klase sa Marikina.

Ayon kay Teodoro, magiging August 5 na ang pagbubukas ng klase sa lungsod matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina.

Sinabi ng alkalde na marami pa ring mga lugar sa Marikina ang lubog sa putik kabilang na ang mga napinsalang bahay.


Ilan din aniyang school supplies ng mga mag-aaral ang nasira ng bagyo.

Ang Marikina ay kabilang sa matinding binaha matapos na umapaw ang Marikina River.

Facebook Comments