Inihayag ng Marikina City Government na maliban sa paglilinis sa Marikina River, pinagtutuunan din ng pansin ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang ibang daluyan ng tubig sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, patuloy ang utos niya sa paglilinis ng creek para maiwasan ang pag-apaw.
Ito’y para matiyak na hindi magkakaroon ng malalang pagbaha dala ng malakas na ulan.
Paliwanag ng alkalde na kasama sa katatapos lang na linisin ang creek sa Lilac Bridge sa Barangay Concepcion 2 na susundan pa ng ibang creek.
Samantala, patuloy naman ang ginagawang dredging operations o paghuhukay sa Marikina River kung saan 5 excavator ang regular na naghuhukay at na nag-aalis dito lupa at basura.
Sa ngayon, mula sa dating 70 meters, lumapad na sa 90 meters ang Marikina River at mula sa dating 18 meters ay naging 21 meters na ang lalim nito dahil sa isinagawang dredging operation.