Marikina Mayor Marcy Teodoro at iba pang opisyal, sinuspinde ng Sandiganbayan

Pinatawan ng Sandiganbayan ng 6 na buwang preventive suspension si Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, Vice Mayor Marion Andres, at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Marikina.

Kaugnay ito ng kasong katiwalian at malversation of public funds na isinampa sa alkalde at mga opisyal nito kamakailan.

Naniniwala naman si Teodoro na politically motivated ang pagkaka-suspinde sa kaniya lalo na’t nalalapit na aniya ang pagsisimula ng campaign period para sa mga local candidate.


Pagdidiin ng alkalde, hindi siya matitinag sa mga ibinabato sa kaniya at kumpiyansa rin siyang may malakas na depensa sa kasong graft.

Kinasuhan sina Teodoro at iba pa dahil sa umano’y maanomalyang transaksyon noong pandemya.

Facebook Comments