Tutol si Marikina Mayor Marcy Teodoro na alisin ang liquor ban.
Ayon kay Mayor Teodoro, mas mainam na manatiling ipagbawal ang pagbebenta ng alak habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa buong Luzon.
Makakatulong, aniya, ito na mapigilan ang mga tao na maginuman sa labas ng bahay at maiiwasan din ang posibilidad na magtipon-tipon ang mga ito.
Maaaring, aniya, na maging dahilan ito para hindi masunod ang social distancing at stay-at-home policy na ipinatutupad ng gobyerno.
Karamihan, aniya, na mga nahuhuli ngayon sa kanilang lungsod na lumalabag sa ipinatutupad na kautusan sa ilalim ng ECQ, ay mga nagiinuman sa labas ng kanilang bahay.
Kamakailan, umapela ang grupo ng mga negosyante sa bansa ng alak sa gobyerno na alisin na ang liquor ban habang umiiral ang ECQ dahil lubha na silang naaapektuhan nito.