Marikina PNP, aalamin kung lisensyado ang baril na ginamit ng pari sa panunutok sa bata

Manila, Philippines – Aalamin ngayon ni Marikina COP Police Sr. Supt. Roger Quesada sa Firearms and Explosive Division ng Kampo Krame kung lisensyado ang baril na ginamit ni Monsignor Arnel Lagarejos 55 anyos sa panunutok sa isang 13 anyos na batang babae.

Si Monsignor Lagarejos ay dating nagmimisa sa Our Lady of Abandon dinala sa Cainta Catholic Church at parish priest ngayon ng Taytay Rizal.

Una rito na inquest na kanina sa Marikina Prosecutors Office ang pari at sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9208 o Anti Tracking in Person Act matapos maaresto sa loob ng kanyang Ford Explorer na sasakyan na may plakang TGO-350 sa isang entrapment operation noong Biyernes sa Marikina, nang maaktuhang kasama ang isang menor de edad ilang metro ang layo sa isang motel.


Paliwanag ni Sr. Supt. Quesada beberipikahin nila sa FED sa Kampo Krame kung paso na ang lisensiyang ipinakita ng pari sa kanila at aalamin din ang background ng pari kung mayroon mga inabusong bata sa mga parokyang kanyang pinanggalingan.

Dagdag pa ni Quesada paiimbestigahan nito ang mga napaulat na ang isang obispo umano sa Marikina ay pumunta sa ibang bansa dahil mayroon umano itong iniwang anak sa Pilipinas.

Giit ni Quesada kung ang isang obispo ay mayroong anak hindi malayo umano na magkakaroon din mga anak ang mga pari at monsignor.

Facebook Comments