Marikina Rep. Marcy Teodoro, handang humarap sa ICI kung ipapatawag sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa flood control project

Handa si Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro na humarap sakaling ipatawag ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) sa ginagawang imbestigasyon hinggil sa maanomalyang flood control project.

Sa pagtungo ni Cong. Teodoro sa Department of Justice (DOJ), sinabi nito na higit tatlong buwan pa lang siyang nakaupo bilang kongresista kung kaya’t nagtataka siya kung bakit idinawit ng mga Discaya sa nasabing isyu.

Aniya, dapat ay ilahad ng mga Discaya ang lahat ng mga nasasangkot upang malaman talaga kung sino ang nakinabang sa palpak na proyekto.

Naniniwala rin si Cong. Teodoro sa kakayahan ng ICI na mapanagot ang nasa likod ng palpak na proyekto kung saan muli niyang iginiit na wala siyang insertion sa 2025 national budget dahil kakaupo pa lamang niya sa puwesto.

Facebook Comments