Marikina River, itinaas na sa unang alarma dahil sa mga pag-ulan dulot ng Bagyong Egay

Itinaas na ng Marikina Rescue 161 sa unang alarma ang Marikina River.

Ito’y matapos nitong maabot ang 15 meters na water level kaninang alas-5:39 ng umaga.

Nangangahulugan ang unang alarma na maghanda sa posibleng paglilikas sa mabababang lugar.


Pinayuhan ng Marikina Rescue 161 na nakatira sa tabi ng ilog na maging mapagmatyag at agad na lumikas kapag umapaw na ang tubig sa naturang ilog.

Facebook Comments