Marikina River, patuloy sa pagbaba matapos ang bahagyang pagtaas ng level kaninang umaga

Nananatili ngayon sa 14.2 meters ang level ng tubig sa Marikina River

Ito ay matapos na bahagyang tumaas sa 14.4 meters ang water level sa nasabing ilog kaninang umaga.

Sa kabila nito, patuloy naman na naka-alerto ang Marikina Rescue 161 at ang Philippine Coast Guard na naka-deploy sa lugar.

Bagama’t patuloy ang pagbuhos ng ulan, tuloy-tuloy din ang paglilinis ng mga otoridad sa mga binahang kalsada sa Marikina City.

Nananatili ring naka-activate ang evacuation centers sa nasabing lungsod sa harap ng banta ng habagat at ng bagyong Emong

Facebook Comments