Inihayag ngayon ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na may go signal sa Inter-Agency Task Force (IATF) upang mag-operation ang Marikina Testing Center.
Ayon kay Mayor Teodoro, sinuportahan ngayon ng IATF ang itinayo nilang testing center para sa mga pasyenteng hinohinalanag may taglay na COVID-19.
Umapela sa Department of Health (DOH) na madaliin ang pagbibigay ng certification sa kanilang testing center na bubuksan bukas.
Paliwanag ni Teodoro, gagamitin ito sa pagsuri ng mga suspected case ng COVID-19 sa lungsod at magagamit din ng mga residente sa karatig na bayan.
Matatandaan na una nang sinabi ni Mayor Teodoro, na kahit walang pag-apruba mula sa DOH ay tuloy ang pagbubukas ng kanilang testing center bukas. Hindi rin umano siya natatakot na maharap sa kaso.
Hinarang noon ng buwan ng Marso ng DOH ang pagbubukas ng Marikina Testing Facility matapos mapag-alamang inilagay ito sa ika-anim na palapag ng City Hall, bagay na mapanganib umano ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.
Agad na nagtayo ng panibagong COVID-19 Testing Center ang Marikina bilang tugon sa reklamo ng Health Department kung saan ay bukas na ang pagbubukas ng nasabing testing center na matatagpuan sa Bayan Bayanan Ave, Brgy. Concepcion Uno pero magiging operational ito sa susunod pang linggo.