MARINA, handa na sa BSKE at Undas 2023

Handang-handa na ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa pagdagsa ng mga pasahero nalalapit na paggunita ng Undas 2023 at pagsagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay MARINA Administrator Atty. Hernani Fabia, ipatutupad nila ang heightened alert status mula ika-27 ng Oktubre 2023 hanggang ika-5 ng Nobyembre 2023.

Ito’y upang tiyakin ang ligtas, maayos at komportableng biyahe para sa lahat.


Partikular na tututukan ng MARINA ang mga uuwi sa kanilang probinsya sa pamamagitan ng pampasaherong barko.

Sa pamamagitan ng kanilang Enforcement Service (ES), magsasagawa ang MARINA ng random compliance monitoring at inspection sa mga pampasaherong barko bago ang kanilang pagbiyahe.

Ang mga pampasaherong barko ay daraan sa masusing pagsusuri upang tiyakin ang ligtas na nabigasyon.

Ang MARINA ay magpapalaganap din ng mga impormasyon hinggil sa mga karapatan ng mga sea passengers o “Rights of Sea Passengers” upang maging pamilyar sila sa kanilang mga karapatan.

Hinihiling din ng MARINA sa mga kompanya at operator ng mga pampasaherong barko na sundan ang mga regulasyon para sa kaligtasan at seguridad ng publiko.

Facebook Comments