MARINA ibinida ang mga nagawang programa sa Overseas Shipping Industry

Ipinagmalaki ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang mga makabagong programa tungkol sa mga aktibidades na may kinalaman sa Overseas Shipping Industry sa isinasagawang  semi-annual meeting sa mga private stakeholders ng overseas shipping sector.

Ilalahad ng MARINA ang kanilang nagawa mula sa buwan ng  January hanggang June 2019 at sa mga hinaharap na aktibidades mula sa buwan ng Hunyo hanggang Disyembre 2019, kabilang ang pagtalakay ng legislative agenda ng MARINA na may kaugnayan sa  pag-unlad ng Overseas Shipping Sector at  updates naman mula sa  Standards of Training, Certification, and Watchkeeping for Seafarers Office o STCWO.

Magkakaroon din ng konsultasyon sa status ng pag-aaral ng dalawang polisiya na may kinalaman sa Development of a Global Maritime Hub sa ilalim ng 10-year Maritime Industry Development Plan o MIDP, lalo na ang rules sa  registration and documentation para sa  Permanent Conversion of Ships Trading Status mula sa Domestic to Overseas Trade at mga Amendments on the Rules sa  Acquisition of Ships sa ilalim ng Presidential Decree No. 760 as amended.


Tatalakayin din ang Draft Amendment on Special Permit upang makipag-ugnayan sa international voyages at  draft rules sa pagsasagawa ng flag state inspection and audit para sa  Philippine Registered Ships upang magbigay naman ng mga komento ang mga stakeholders.

Layon ng Semi-Annual Meeting sa mga  Private Stakeholders ng Overseas Shipping Sector ay upang mapalakas ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng gobyerno at ng pribadong sektor para lalong  mapalakas ang  Philippine Ship Registry at mabago na rin  ang Pilipinas tungo sa Major Maritime Nation.

Facebook Comments