Sinimulan na ng Maritime Indistry Authority ang imbestigasyon nito sa nasunog na pampasaherong ferry sa Baluk-Baluk Island sa Basilan noong Huwebes.
Ayon sa MARINA, inatasan nito ang kanilang Enforcement Service na magsagawa ng marine safety investigation sa MV Lady Mary Joy 3.
Dagdag pa rito, magsasagawa rin ang ahensya ng survey sa lahat ng barko ng Aleson Shipping Lines habang paiigitingin din ng MARINA ang sitwasyon ng iba pang barko sa bansa.
Samantala, nagpaabot na ng pakikiramay at paumanhin ang kompanya sa mga pamilya at mahal sa buhay ng naapektuhan ng sunog.
Nagbigay na rin ang Aleson Shipping Lines ng financial assistance sa mga biktima.
Tinatayang nasa 31 ang nasawi sa sunog habang 230 katao ang nasagip sa barko.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng search and rescue operation ng Philippine Coast Guard sa pito pang pasahero.