Marinduque Rep. Lord Allan velasco, ikinatuwa ang pagpapatawag ng sesyon ni Pangulong Rodrigo Duterte

Ikinalugod ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na buksan muli ang sesyon at agad na aprubahan ang 2021 General Appropriations Bill.

Ayon kay Velasco, ito ang kanilang sinasabi sa kampo ni Speaker Alan Peter Cayetano at sa mga supporters nito dahil kwestyunable ang biglang pagpapatibay sa ikalawang pagbasa sa P4.5 trillion national budget at unconstitutional ding maituturing ang biglang suspensyon ng sesyon sa Kamara.

Malinaw aniya ang marching order ng Pangulo sa House Leadership na buksan ang Mababang Kapulungan para sa mga miyembro nito kaakibat ng pagsunod sa health protocols.


Naniniwala pa ang mambabatas na ang attendance ng mga kongresista sa plenaryo ang magpapahintulot sa mga ito na makalahok sa buong proseso ng budget at hindi lamang ng iilan at piling mga kongresista.

Matatandaan na inirereklamo ng mga mambabatas na nasa Zoom conference ang anila’y pag-mute sa kanila dahilan kaya hindi sila makapag-participate ng husto sa botohan at mga nagaganap sa plenaryo ng Kamara.

Facebook Comments