Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, naihalal na bilang bagong speaker

111

Naihalal na bilang bagong Speaker of the House si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Sa botong 186 sa sesyon na isinagawa ng mga kongresista sa Celebrity Sports Plaza ay naihalal na nga bilang bagong Speaker si Velasco.

Agad itong nanumpa bilang bagong House Speaker kay Barangay Captain Allan Franza ng Barangay Matandang Balara, Quezon City.

Sa speech ni Velasco bilang bagong Speaker, iginiit nito ang pagtupad at commitment sa mga pangakong binibitawan.

Tiniyak din nito ang pagsunod kay Pangulong Rodrigo Duterte na agad pagtitibayin ang 2021 national budget.

Pinasalamatan din ni Velasco ang suporta ni Pangulong Duterte, Davao City Mayor Sara Duterte, Davao City Rep. Paulo Duterte at Senator Bong Go gayundin ang mga parties at blocs sa Kamara.

Hinikayat naman ni Velasco si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na makipagtulungan sa kaniya para sa smooth transition ng house leadership.




Ngayon aniya ang day 1 ng kanyang pagiging Speaker kung saan isang kasaysayan ang nalikha at taus-puso niyang tinatanggap ang hamon ng pagiging Speaker ng Mababang Kapulungan.

Facebook Comments