Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, suportado ang pagpapatawag ni Pangulong Duterte ng special session

Welcome para kay Marinduque Representative Lord Allan Velasco ang pagpapatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ng special session sa Kongreso sa susunod na linggo.

Ayon kay Velasco, suportado niya ang panawagan ni Pangulong Duterte na muling ipagpatuloy ang plenary discussions para sa ₱4.5 trillion national budget para sa susunod na taon upang matiyak na hindi ito maaantala alinsunod sa Konstitusyon at iba pang batas.

Ito aniya ang iminumungkahi ng mayorya ng House members kay Speaker Alan Peter Cayetano at sa kanyang “small group” na mga loyalist.


Malinaw aniya ang marching orders ng Pangulo kay Cayetano, muling buksan ang Kongreso para makasali ang lahat ng mambabatas sa kabuuang proseso.

Pagtitiyak naman ni House Majority Floor Leader Martin Romualdez na ipapasa sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang budget sa susunod na linggo.

Umaapela si Romualdez sa mga kapwa mambabatas na makipagtulungan para sa pagsasabatas ng General Appropriations Bill.

Facebook Comments