Marinduque Rep. Velasco, umaasang tutupad si House Speaker Cayetano sa kanilang Term-Sharing Agreement

Umaasa si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na tutupad si House Speaker Alan Peter Cayetano sa kanilang napagkasunduang Term-Sharing.

Ito’y kasunod na rin ng panawagan ng ilang mambabatas na hindi na kailangan pang palitan ang kanilang House Speakership.

Ayon kay Velasco, may mga inilatag na siyang mga aktibidad oras na siya ang maging House Speaker.


Dagdag pa ng Kongresista, ayaw niyang umagaw ng atensyon habang si Cayetano pa ang namumuno.

Nauna nang sinabi ni Cayetano na walang pagbabago sa usapan nila ni Velasco, pero bukas din siyang manilbihan hanggang 2022 kung mismong si Velasco na ang nagsabi na hindi tuloy ang Term Sharing.

Facebook Comments