Marinduque Representative Lord Allan Velasco, naglabas na ng pahayag hinggil sa isyu ng term sharing sa pagiging House Speaker

110

Naglabas na ng pahayag si Marinduque Representative Lord Allan Velasco sa kabila ng isyu sa term sharing sa pagiging Speaker of the House.

Matatandaang nagkaroon ng kasunduan sa pagitan nina Velasco at Taguig City Representative Alan Peter Cayetano sa pagiging House Speaker kung saan sa darating na Nobyembre ay si Velasco naman ang mauupo.

Sa post ni Velasco sa kaniyang social media, inihayag nito na nanahimik siya at hindi nakikipag-kumpetensiya sa kasalukuyang Speaker bilang pagpapakita ng paggalang at habang umiiral na rin ang gentleman’s agreement.

Aniya, hindi porket nanahimik siya ay hindi na siya interesado sa kasunduan o tinalikuran na niya ang pagiging Speaker.

Sinabi rin ni Velasco na darating naman daw ang kaniyang panahon at kung mangyari ang kasunduan, maipapakita na raw niya ang kalidad ng kaniyang pamumuno.

Facebook Comments