Cauayan City, Isabela- Nagtulong-tulong ang mga tropa ng Marine Battalion Landing Team-10, Naval Task Group Fleet Marine Cagayan, MDRRMO, BFO Gonzaga sa pagsasagawa ng road clearing operation sa pambansang lansangan ng mga bayan ng Gonzaga at Sta. Ana, Cagayan matapos ang pag-landfall ng Bagyong Kiko sa Ivana, Batanes nitong Sabado, September 11, 2021.
Pansamantala kasi na hindi madaanan ang mga pangunahing kalsada dahil sa epekto dulot ng bagyong Kiko.
Matapos ang ginawang bayanihan, naibalik din sa normal ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada.
Samantala, bumarik rin sa maayos na pamumuhay ang mga mamamayan ng Calayan, Cagayan.
Ayon kay Calayan Chief of Police Mario Maraggun, wala aniyang masyadong pinsala ang bagyong Kiko sa kanilang lugar at wala ring naitalang casualty.
Gayunman, mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pangingisda at paglalayag sa karagatan dahil mataas at malakas pa rin ang hampas ng mga alon.