Inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fishery and Aquatic Resources (BFAR) na magsagawa ng komprehensibong pag-aaral patungkol sa rehabilitasyon at maintenance ng marine habitats ng bansa.
Ayon sa pangulo, layunin ng mga ahensyang ito na maprotektahan ang yamang dagat ng bansa laban sa iligal na pangingisda at iba pang iligal na akbididad sa dagat.
Inihayag naman ng pangulo na syang kalihim ng DA na kailangan ng Pilipinas na mag-comply sa international commitments, partikular sa European Union on Preventing Illegal, Unreported and Unregulated Fishing (IUUF).
Iginiit rin ng presidende ang kahalagahan ng pagtututok sa concerns ng fishery stakeholder gamit ang science-based approach.
Utos pa ng pangulo sa DA at BFAR na makipag-ugnayan sa Office of the Executive Secretary at gumawa ng kinakailangan issuances para maipatupad ang Fisheries Administrative Order (FAO) No. 266 na nag-oobliga sa mga commercial fishing vessel na mag-install ng vessel monitoring systems.
Ang BFAR ay attached agency ng DA.