Malaking tulong sa pagbangon ng kabuhayan ng mga mangingisda ang pagsasabatas sa pagtatatag ng Multispecies Marine Hatchery sa probinsya ng Dinagat Islands.
Kamakailan lang ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11736 na kabilang sa tatlong Marine Hatchery Bills na naging ganap na batas.
Welcome kay Dinagat Islands Rep. Alan Ecleo, may-akda ng batas sa Kamara, na tuluyang naisabatas ang panukala na makakatulong sa pagbangon ng kanilang ekonomiya mula sa pinsala ng Bagyong Odette at epekto ng COVID-19 pandemic.
Layon ng batas na makapagbigay ng tuluy-tuloy na kita sa mga mangingisda sa lalawigan at mabawasan ang mga mahihirap sa probinsya ng Dinagat.
Target din sa batas na sa hinaharap ay maging “leading-producer” ng “high-value, fresh, processed fish” ang lugar hindi lang sa bansa maging sa abroad.