Iginiit ng National Task Force for the West Philippines Sea (NTF-WPS) na dapat paigtingin ang inter-agency maritime operations sa West Philippines Seas para itaguyod ang soberenya ng Pilipinas at itakwil ang ilegal na pag-aangkin ng ibang bansa.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Western Command (AFP-Wescom), ang sea assets ng Pilipinas ay patuloy na idine-deploy sa iba’t ibang lugar sa West Philippines Sea para magsagawa ng maritime at sovereignty patrols.
Mahalaga ring magkaroon ng law enforcement activities sa Julian Felipe, reef, Pag-asa Island, Recto Bank, at iba pang bahagi ng Kalayaan Group of Islands.
Ang Philippine Coast Guard (PCG) ay nagpadala ng BRP Cabra habang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay nagpadala ng dalawang barko sa lugar para sa patrol operations.
Ang WesCom ay nag-deploy ng apat na Philippine Navy vessels: ang BRP Dagupan, BRP Apolinario Mabini, BRP Magat Salamat, at BRP San Miguel Malvar para magbigay ng suporta sa mga barko ng PCG at BFAR.