Aminado ang security analyst at international studies expert na si Prof. Rommel Banlaoi na mas napalakas pa ng China ang kapasidad nito para isulong ang kanilang claims sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Kasunod na rin ito ng dumaraming bilang mga Chinese vessels sa West Philippine Sea sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng bansa.
Sa interview ng RMN Manila, hindi na nagulat si Prof. Banlaoi sa pagdami ng warships, maritime exploration at research vessel ng Chinese forces at People’s Liberation Army sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Ayon kay Banlaoi, simula nang naganap ang Scarborough stand-off, pinalakas pa ng China ang kanilang pasilidad kung saan sila na ngayon ang may kakayahan para sakupin ang buong South China Sea.
Kaya naman payo nito sa bansa, lalo ring palakasin ang ating kapasidad sa pagpapatrolyo sa ating maritime territories.