Isang kasunduan ang nakatakdang lagdaan sa pagitan ng Pilipinas at ng Vietnam na layong mapalakas ang maritime cooperation sa West Philippine Sea.
Ginawa ng pangulo ang pahayag kasunod ng panibagong insidente sa West Philippine Sea kung saan ginamitan pa ng water cannon ng China Coast Guard (CCG) ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG).
Sa pakikipag-usap ni Pangulong Marcos kay outgoing Vietnam Ambassador to the Philippines Hoang Huy Chung, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng maritime cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinabi ng pangulo na sa pamamagitan ng “solid agreement” mas magiging madali na harapin ang “common challenges” sa usapin ng territorial disputes.
Sa nasabing farewell call, pinasalamatan ni Pangulong Marcos si Chung para sa kaniyang ipinakitang kasipagan sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Sa panig ni Chung, ipinaabot nito ang pasasalamat ni Vietnam President Vo Van Thuong kay Pangulong Marcos at sa gobyerno ng Pilipinas.