Maritime exercises ng PCG sa West Philippine Sea, tuloy pa rin

Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang maritime exercises ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa PCG, babalikan ng kanilang hanay ang Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal at ang West Philippine Sea para sa pagpapatuloy ng kanilang pagsasanay sa susunod sa linggo.

Kasama ng PCG nang pinaka-modernong barko na BRP Gabriela Silang, 7 barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagsasanay.


Layon nito na hasain ang mga tripulante ng pitong barko sa pagtugon sa iba’t ibang sitwasyon sa karagatan.

Matatandaang una nang kinumpirma ng pamahalaan ng tinatangkang pigilan ng Chinese Coast Guard ang unang yugto ng joint exercises ng PCG sa Bajo de Masinloc.

Facebook Comments