Maritime expert: Pinas, hindi dapat matinag sa China sa kabila ng mga aksyon sa West Philippine Sea

Lalo lamang nakakasama sa China ang kanilang ginagawang pangha-harass sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito ang sinabi ng isang maritime expert kasunod ng panibagong insidente ng pam-bo-bomba ng tubig ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas na nasa resupply mission.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni University of the Philippines Professor Atty. Jay Batongbacal na patuloy rin ang pagdami ng mga bansang kumokondena sa China dahil sa mga mapanganib na aksyon ng mga ito sa karagatan.


Kaugnay nito, hindi aniya dapat matinag ang Pilipinas lalo’t gusto ng China na isuko na natin ang pag-angkin sa pinag-aagawang teritoryo.

Kabilang sa mga bansang nagpahayag ng pagkabahala ang Estados Unidos, Japan at New Zealand.

Facebook Comments