Inaprubahan ni Pangulong Ferdnand Marcos Jr., ang Maritime Industry Development Plan (MIDP) 2028 na magsisilbing roadmap ng bansa para sa integrated development at strategic direction ng maritime industry.
Sa apat na pahinang Executive Order (EO) No. 55, nakasaad ang pangangailangan na aprubahan at i-adopt ang MIDP para lubos na maisakatuparan ang potensyal ng Pilipinas bilang isang maritime nation.
Target ng MIDP na palakasin Philippine Merchant Fleet na tumutugon sa mga kinakailangan sa mga transportasyong pandagat.
Inaatasan din ng EO ang MARINA board na magpatupad ng sistema para sa modernisasyon, pagpapalawak at promotion ng shipbuilding at ship repair industry.
Bukod dito, nakasaad sa kautusan ang pagtataguyod ng highly-skilled at competitive maritime workforce; pagpapalakas ng maritime transport safety at security; at pagtataguyod ng environmentally sustainable maritime industry.