Malinaw ang kautusan ng Pangulo sa National Task Force for the West Philippiine Sea (NTF-WPS) na ituloy ang mga maritime patrols sa karagatan ng bansa.
Ito ang sinabi ni NTF-WPS Spokesperson Asst. Sec. Omar Romero matapos ang pahayag ng Pangulo kamakalawa na walang ibang maasahang international police force para magpatupad ng pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration (PCA).
Sa desisyon ng PCA, kinilala ang karapatan ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone (EEZ) nito sa West Philippine Sea sa ilalim ng International Maritime Law, na Hindi naman kinilala ng China.
Sinabi ni Asec. Romero, hindi hihinto ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagsasagawa ng maritime patrols sa karagatang sakop ng EEZ ng bansa.
Magpapatuloy aniya ang pagpapatupad nila ng law enforcement operations at maritime exercise, kontrahin ang Illegal, Unreported, Unregulated Fishing (IUUF) sa karagatan at maprotektahan ang mga Pilipinong mangingisda.
Matatandaang nitong Abril 27 at 29 ay itinaboy ng PCG at BFAR ang mga barko ng Chinese Maritime militia sa Sabina Shoal sa WPS na malapit sa Palawan.