Maritime patrols sa West Philippine Sea, magpapatuloy – Lorenzana

Nanindigan ang Department of National Defense (DND) na magpapatuloy ang maritime patrols ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa West Philippine Sea.

Ito ay sa kabila ng panawagan ng China na itigil ang matirime drills sa lugar.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, mananatili ang posisyon o katayuan ng Pilipinas sa usapin.


Bagamat mas advanced ang military capability ng China, hindi ito nangangahulugang aatras na tayo sa pagtatanggol ng ating pambansang interes at dignidad ng mga Pilipino.

Paglilinaw ni Lorenzana na parehas ang kanilang panininindigan ni Pangulong Duterte.

Ang utos ng Pangulo ay depensahan ang ating karapatan na hindi naghuhudyat ng giyera at mapanatili ang kapayapaan sa karagatan.

Ipinapanawagan ng kalihim sa lahat ng stakeholders ang kooperasyon.

Facebook Comments