Maritime presence sa WPS, pinadadagdagan

Panahon na para dagdagan ang maritime presence sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang iginiit ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa gitna ng pagkasawi ng tatlong mangingisdang Pilipino matapos banggain ng isang Marshall Island – flagged crude oil tanker na “Pacific Anna” ang kanilang fishing boat sa Bajo de Masinloc.

Kung kakayanin, sinabi ni Zubiri na mag-24/7 ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagbabantay sa WPS.


Paliwanag ni Zubiri, kung sa bawat oras ay may presensya ng Coast Guard, maliligtas agad kung may mangailangan ng tulong at hindi na manggagaling ang rescue sa Palawan o sa Pangasinan.

Pinayuhan pa ng senador ang PCG na bukod sa barko ay humingi na rin ng dagdag na pondo para sa maintenance and other operating expenses (MOOE) dahil mahirap nga naman kung may barko pero wala namang panggasolina at hindi mapapakinabangan.

Bukod sa Coast Guard ay kailangan ay humirit din ang mambabatas na kailangang dagdagan ang ating PNP Maritime na silang nagbabantay naman sa 5km zone sa karagatan.

Facebook Comments