Maritime rescue center, itinayo ng China sa Kagitingan Reef

Nagtayo ng maritime rescue center ang China sa Fiery Cross o Kagitingan Reef sa West Philippine Sea (WPS).

Batay sa report ng Xinhua News Agency ng China, binuksan ito para suportahan ang rescue operation sa pinag-aagawang teritoryo.

Noong Enero 1 ay una nang naglunsad ng ecological protection facilities ang China para maiayos umano ang mga bahura o coral reefs sa Kagitingan Reef maging sa Panganiban at Zamora Reefs.


Facebook Comments