Manila, Philippines – Pinapakumpiska ni Albay Representative Edcel Lagman sa pamahalaan ang mga nakuhang datos ng mga dayuhang researchers sa Philippine o Benham rise.
Giit ni Lagman, dapat na mapunta sa bansa ang mga datos na nakuha matapos na ianunsyo ni Agriculture Secretary Manny Piñol na ipinahinto na ni Pangulong Durterte ang mga pag-aaral na ginagawa ng China sa Philippine Rise.
Paliwanag ni Lagman, ito ay para na rin sa seguridad ng bansa lalo pa’t teritoryo ng Pilipinas ang pinag-uusapan.
Sa ganitong paraan ay mapipigilan ang hindi otorisadong paggamit ng mga nakuhang datos.
Naniniwala naman si Akbayan Rep. Tom Villarin na taktika lamang ng Pangulo ang hakbang na pagpapahinto ng scientific studies sa lugar para i-divert ang atensyon sa mga isyu ng bansa.