Maritime Search and Rescue sa WPS, tampok sa multilateral maritime exercise ng Balikatan Exercise

Bilang bahagi ng Balikatan Exercise 2024, nagsagawa ng Multilateral Maritime Exercise ang Armed Forces of the Philippines, United States Indo-Pacific Command at French Navy ng joint Maritime Search and Rescue exercise kahapon sa West Philippine Sea.

Kalahok dito ang BRP Ramon Alcaraz (PS-16) at BRP Davao Del Sur (LD-602) ng Phil. Navy, USS Harpers Ferry (LSD-49) ng U.S. Navy, at FS Vendemiaire (FFH-734), ng French Navy.

Bahagi ito ng mas malawak pang Multilateral Maritime Exercise na layong mapaghusay ang koordinasyon ng mga magkakaalyadong bansa saka-sakaling magkaroon ng maritime emergencies.


Nauna rito, nagsagawa ang mga barko ng division tactics at Officer of the Watch Maneuver Exercise para masubukan ang kakayahan ng magkaalyadong pwersa na sabayang kumilos bilang paghahanda para sa maritime search and rescue exercise.

Ang kolaborasyon ng Armed Forces of the Philippines, US-INDOPACOM at French Navy ay demonstrasyon ng kahalagahan ng multilateral partnership para masiguro ang kaligtasan, seguridad at kahandaan ng mga magkaalyadong pwersa sa WPS.

Facebook Comments