Maritime security issues at transnational crime, dapat tutukan ng ASEAN at US – PBBM

Kinakailangang tutukan ng Association of Southeast Asian Nations at ng Amerika ang maritime security issues at transnational crime.

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang intervention sa ginanap na 10th ASEAN-US Summit sa Phonm Pehn, Cambodia.

Ayon sa Pangulo, dapat na patuloy na magtulungan para labanan ang iligal, unregulated at unreported na pangingisda at pagtulungan ring labanan ang marine plastic debris at marine pollution.


Kaugnay nito, ikinatuwa naman ng Pangulo ang aktibong adbokasiya ng Amerika para suportahan ang paglaban sa transnational crime, terorismo at trafficking in persons.

Hiniling naman ni Pangulong Marcos sa Amerika na patuloy na gawin ang capacity building programs para sa law enforcement egencies at kanilang mga tauhan sa pamamagitan ng international Law Enforcement Academy at Senior Officials’ Meeting on Transnational Crime.

Pagtitiyak ng Pangulo, committed ang gobyerno ng Pilipinas sa pagsusulong ng regional peace and security kaya nagpahayag ito ng suporta sa Quadrilateral Security Dialogue o Quad na isang strategic security dialogue sa pagitan ng mga bansang Australia, India, Japan at Estados Unidos.

Facebook Comments