Binuntutan at hinarang ng mga barko ng China ang mga tropa ng Pilipinas na nagsasagawa ng Joint Marine Scientific Survey.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, sa loob ng ilang araw na paglalagi ng mga ito sa Escoda Shoal ay ilang beses na binuntutan, hinarangan at nagsagawa ng delikadong pag-maneobra sa mga bangka na magsasagawa ng survey.
Dahil dito, nahirapan ang PCG lalo sa seguridad ng mga diver na nagsasagawa ng research dahil hindi nakikinig ang China sa kanilang babala.
Nasa 14 na barko ng China kabilang ang kanilang Navy, Coast Guard at Research vessels ang namataan sa loob ng tatlong araw na Marine Scientific Survey.
Facebook Comments