Mariveles-Hermosa-San Jose 500kV Line, nag-o-operate na sa full capacity —NGCP

Pinatatakbo na ng husto ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Mariveles-Hermosa-San Jose 500 kilo volt line na mayroong 8,000 megawatts capacity.

Ayon sa NGCP, tumatakbo na sa full capacity ang naturang transmission line.

Dahil dito, kaya na nilang ma-accommodate ang dagdag na 2,200 MW na supply mula sa mga bagong power plant sa Bataan at Zambales, gayundin sa iba pang bahagi ng Luzon grid.


Matatandaan na ang Line 1 ng transmission line ay una nang pinagana ng NGCP noong nakaraang taon pero hindi ito napatakbo sa full capacity dahil hindi pa natatapos ang proyekto.

Ngayong tapos na ang Line 2 nito ay kaya na nitong punan ang pangangailangan sa kuryente ng mas maraming mga residente.

Base sa datos ng NGCP, ang Mariveles-Hermosa-San Jose 500kV line ay binubuo ng 395 transmission towers, 275.6 circuit kilometers ng transmission lines, 2 new substations, at 2,000 megavolt amperes na substation capacity.

Facebook Comments