Binasag na rin ni Marjorie Barretto ang kanyang pananahimik at isiniwalat ang aniya’y katotohanan sa nangyaring gulo sa pagitan nila ng kapatid na si Gretchen Barretto, sa burol ng kanilang ama noong October 16.
Sa panayam sa kanya ng isang TV network, sinabi nitong dapat marinig naman ng publiko ang kanyang panig sa kuwento lalo na at sobra na at kailangan nang malaman ng publiko ang totoong naganap.
Base sa kanyang pagkakaalala, ang chronological order ng pangyayari hanggang sa magkaroon ng gulo sa chapel kung saan nakaburol ang kanyang ama, dumating daw ang Pangulong Rodrigo Duterte upang makiramay tapos biglang dumating si Gretchen at Atong Ang.
Aminado si Marjorie na mainit ang kanyang ulo dahil na-offend sila ng kanyang pamilya ng paalisin ni Atong ang kanyang pamangkin na si Nicole sa burol ng ama.
At noong pilit na pinagbabati daw sila ni Gretchen ng Pangulong Duterte ay biglang tumaas ang boses ni Claudine kung saan doon na daw nag-umpisa na bastusin siya.
Inirerespeto daw niya ang Pangulo pero hindi daw siya nakipagbati dahil hindi nito nakikita ang sinseridad ni Gretchen lalo na at kung talagang gusto nitong magkaayos–ayos silang lahat ay sa ospital pa lang kung saan buhay pa ang kanyang ama ay nakipag-ayos na si Gretchen.