Marjorie Barretto, itinangging nag-check in sa iisang kwarto sina Julia at Gerald

Itinanggi ni Marjorie Barretto ang umano’y nag-check in sa isang hotel ang anak na si Julia Barretto at ang nauugnay na aktor na si Gerald Anderson.

Ito ay matapos maging usap-usapan sa social media ang kumakalat na screenshots mula sa Facebook page sa isang hotel sa Subic, kung saan nag-check in sina Julia at Gerald.

Iginiit ni Marjorie na trabaho ang ipinunta noon nina Julia at Gerald sa Subic, Olongapo City para sa shooting ng pelikula nila.


Magkahiwalay ang hotel rooms na ginamit nina Julia at Gerald.

Dagdag pa ni Marjorie – nag-shoot din ang kanyang anak ng isa pa nitong pelikula kung saan co-star ang ex-boyfriend niyang si Joshua Garcia.

Facebook Comments