Hindi pa tapos ang giyera sa pagitan ng magkakapatid na Barretto.
Nitong Lunes, bumuwelta si Marjorie sa paratang ni Claudine na nais niyang “sapakin” ang nanay nilang si Estrella “Inday” Barretto.
“PROVE this twisted story of yours in court. Prove that I have ever tried to physically hurt my Mother,” paunang salaysay ni Marjorie.
Hamon niya kay Claudine, patunayan rin ang akusasyong nagbigay ng P500,000 ang anak na si Julia Barretto para sa hospital bills ng yumaong ama na si Miguel, kapalit ng bahay ng matandang mag-asawa sa Subic, Zambales.
Giit pa niya, mahilig gumawa ng istorya ang nakababatang kapatid.
“I will see you in court, the rest of the family will stand by me as witnesses.”
Magugunitang isinapubliko ni Claudine ang isang video tungkol sa tangkang pananakit ni Marjorie sa Barretto matriarch.
Sa naturang video, makikitang kausap ni Marjorie ang ilang kaibigan at mga anak niya.
Maririnig na sinabi niyang “We are leaving Dad. Super drama to death si Inday. Baka masapak ko. Sapakin mo nga para sa akin.”
Hirit naman ng supling na si Dani, “I’m so pissed”.
Batay sa caption ng aktres, si “Mommy Inday” ang tinutukoy ni Marjorie sa ngayo’y viral video.
Kalakip nito ang caption na “My Heart breaks for my mom. Although this didn’t surprise me bcoz she does this all the time. Earlier this year she was going to hurt my mom physically & in so many more times.”
Mariing itinanggi ni Marjorie ang binibintang sa kaniya ni Claudine.
“I don’t refer to My Mom as ‘Inday.’ We call her Mom or Mommy. Hindi po ang Mommy ko ang pinag-uusapan namin dito. And hindi sinasapak ang 82-year-old Mother. My Mom is one TOUGH WOMAN, none of us can ever overpower her,” mensaheng ipinadala ni Marjorie sa PEP.ph.
Wala pang inilalabas na reaksyon si Claudine hinggil sa planong pagsasampa ng reklamo ng nakatatandang kapatid.