Marjorie Barretto, tinawag na iresponsable ang dating Broadcaster na si Jay Sonza matapos ang maling pagpapakalat ng balita sa anak na si Julia Barretto

168

Naglabas ng saloobin sa publiko si Marjorie Barretto sa dating Broadcaster na si Jay Sonza matapos ang maling pagpapakalat nito ng balita tungkol sa kaniyang anak na si Julia Barretto.

Ayon kay Marjorie, iresponsable si Sonza dahil hindi muna nito itinanong o inalam kung totoo ang ipinakalat nitong balita sa publiko.

Dagdag pa ni Marjorie na hindi nirespeto ng dating broadcaster ang mga kababaihan at hindi rin naging maganda ang pagkakagamit ni Sonza sa pag-confirm na buntis umano ang kaniyang anak.

Naghain na ng kaso ang pamilya Barretto sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa reklamo laban kay Sonza.

Facebook Comments