PBA – Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ng beteranong basketbolistang si Mark Caguioa sa pagreretiro ng kaibigang si Jayjay Helterbrand.
Ayon kay Caguioa, masaya ito sa kaibigan dahil sa makakasama na niya ng matagal ang kaniyang pamilya pero siguradong malulungkot daw siya dahil wala na laging kasama tuwing may practice sila.
Dagdag pa nito, mula nang magsimula siya sa PBA noong 2001 ay si Helterbrand na ang naging malapit sa kaniya kaya naging maganda ang kanilang chemistry.
Magkasama ang dalawa ng makuha ng Barangay Ginebra ang anim na championship sa loob ng 16 na taon.
Magugunitang inanunsiyo na ng 41-anyos na si Helterbrand ang kaniyang pagreretiro matapos ang 17-taon na paglalaro sa PBA.
Facebook Comments