Mark Herras at Winwyn Marquez, break na!

250

Manila, Philippines – Hiwalay na sina Mark Herras at Reina Hispanoamerican 2018 Winwyn Marquez.

Kinumpirma mismo ng aktres ang kanilang break up matapos ang mahigit dalawang taong relasyon.


Pero ayon kay Winwyn, walang third party sa hiwalayan nila ni Mark at mutual decision aniya ito.

Okay naman daw sila ni mark at nag-uusap pa rin sila.

Bukod dito, wala nang ibinigay na dahilan ang beauty queen-actress tungkol sa totoong dahilan ng kanilang break up.

Sa ngayon, pareho raw silang abala sa kani-kanilang trabaho.

Facebook Comments

From Advertisers