Mark Magsayo, naagaw ang WBC Featherweight Title kay Julio Ceja ng Mexico

Itinanghal bilang bagong WBO International Featherweight Champion ang Filipino fighter na si Mark “Magnifico” Magsayo matapos ang knockout win laban kay Mexican boxer Julio Ceja.

Sa round 1 pa lamang ng laban ay napabagsak na ni Magsayo si Ceja.

Pero nakaresbak si Ceja matapos na mapagbasak ng kanyang upper cut si Magsayo sa round 5.


Patuloy na nagsagutan ng suntok ang dalawang boksingero hanggang sa mapabagsak ulit ni Magsayo si Ceja sa round 10 dahilan para maagaw niya ang WBO International Featherweight title mula sa Mexican boxer.

Facebook Comments