Manila, Philippines – Ibinunyag ng samahan ng mga Customs brokers na hindi lehitimong Customs broker si Mark Taguba.
Ibinunyag ng samahan ng mga lehitimong customs broker sa bansa na hao siao o nagpapanggap lamang si Mark Taguba bilang Customs broker.
Si Taguba na sinasabing nag-asikaso sa kontrabando na naglalaman ng naipuslit na 6.4 kilos na shabu ay tumestigo sa kongreso at nag-TRO ng mga opisyales ng sa Bureau of Customs na umano’y sinuhulan niya.
Sa isang kalatas, ibinunyag ni Atty. Ferdinand Nague, National President ng Chamber of Customs Broker Inc. na wala sa kanilang listahan ng may 9,000 na customs broker ang pangalan ni Mark Taguba.
Idinagdag ni Nague, na may prosesong pagdaraanan para maituring ang sinuman na lehitimong Customs broker.
Ang sinuman na nagnanais na magmiyembro sa kanila ay kailangang ipasa na licensure exam at dapat mabigyan ng lisensya ng Professional Regulations Commission alinsunod itinatadhana ng Section 28 ng RA 9280 o ang customs brokers act of 2004.