Mark Villar, “most influential” senatorial candidate ayon sa isang data analytics

Umuusbong ang pangalan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar bilang “maimpluwensyang” potensyal na kandidato sa pagkasenador sa 2022 elections.

Ito ay batay sa social media at mainstream media Facebook pages.

Sa independent study ng WR Numero Research, isang technology-driven public opinion and data analytics company, si Villar ay nanguna sa listahan ng 23 most influential political personalities sa social media na may markang +34 percent.


Nakakuha naman ng +15 si Senator Risa Hontiveros at +10.33 si Taguig Representative Alan Peter Cayetano.

Pasok din sa top 10 sina Atty. Chel Diokno, Presidential Spokesperson Harry Roque, Senator Joel Villanueva, Letye 4th District Representative Lucy Torres-Gomez, dating senator JV Ejercito, Cabinet Secretary Karlo Nograles, at Deputy House Speaker Loren Legarda.

 

Pagdating sa impluwensya sa personal FB pages, si Villar ang nangunguna, kasunod si Roque, habang sina Villar at Torres naman ang pinakamaimpluwensya sa mainstream media FB pages.

Courtesy: WRN Research

Lumagapak naman sa listahan si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na may score na -4.96%, ANAKALUSUGAN Party-list Representative Mike Defensor at Senator Richard Gordon dahil sa mga negatibong nakukuha nila mula sa online public.

Tadtad naman ng negatibong sentimiyento si Roque mula sa mainstream media na may -52.5% pagdating sa hindi maimpluwensyang political personality, kasunod si Senator Francis Pangilinan na may -13.5%.

Courtesy: WRN Research

Ang pag-aaral ay isinagawa mula April 20 hanggang June 5, 2021 mula sa tatlong kategorya ng Facebook pages: ang mainstream media, alternative media at official FB pages.

Facebook Comments